Sunday, March 10, 2013

Magkaibang Mundo

Kung ang tradisyon ay kailangang irespeto,
Paano naman ang pusong nagsusumamo?
Anung silbi ng sinok at pagtibok,
Kung mababahiran lang din ng pagkabigo?

Minsan lang ulit nagbukas,
Pero agaran ding nabalewala...
Ikot ng mundo'y sadyang mapaglaro,
Ang biro nito'y nakakangilo.

Kung nung una pa'y walang pagka-kibot,
Di sana nahulog sa masaklap na patibong.
Hindi sana nangarap mapadpad sa kalangitan,
Hindi sana napunta sa kawalan.