Wednesday, November 14, 2012

Twisted @ Bahrain

Walang ulan,buhangin lang. Tubig panligo daig pang pinakulo. Kapag malamig naman ubod pamatay ngunit nyebe'y walang pag-asang mabuhay. Meron ditong tindang baboy pero di kami magkatagpo...Ginto kasi ang presyo. Manok,manok at manok na lang ng walang hanggan dahil sa seafood maski mura iwas ang lola mo. Coke kapag pagod sabay puff ng Marlboro. Walang pulang kabayo,smb o kung ano mang panghilo...tulad kasi ng baboy, mapapa-'Diyos ko po!' ka sa taas ng presyo. Nuod na lang ng balita at teleserye sa TFC tapos tulog,bangon,kain at pasok. Parehong rutina araw-araw,kayod kalabaw para mabuhay. Ang dating prinsesang gimikera ngayo'y inday badiday na. Ganito na ang buhay ko simula ng umalis ako ng Pinas...mahirap pero di ako nagsisisi dahil natututo na akong mabuhay sa totoong mundo na hindi lang puro sarap at kalinga ng magulang. Matagal-tagal pa ang bubunuin ko dito sa bansa ng mababaho,ngunit kakayanin ko...dahil alam ko, dinala ako ng Diyos dito para sa maganda niyang plano sa buhay ko.

Empty Box

For there are things you can't control, 
there are flaws that has been shown.
 Life will continue to its flow,
 sucking everything and accepting even the low blows.

 Don't question "WHY?" for in the first place you're the one who've decided...
I guess now it is really true: "It's with the end that would justify the means." 
Life is life and you did your best...
Moreover, the best you gave is not enough to shelter your inner cries. 

Inhale,exhale, try to slap the soul within.
Soon, I supposed, it would be fine...
1 to 10 it would be over and your pain will go away.
 Sigh and sigh, just hope for success and God will do the rest!

Tuesday, April 17, 2012

Idlip

kada pikit ng mga mata...
may mga nilalang na gumagambala....
ayaw patahimikin....
kaluluwang naliligalig....

gusto ko lang magpahinga...
humimbing ng mapayapa...
ngunit may pilit na kumakatok...
nagiingay sa may pinto...

mga kaluskos na hindi mapaliwanag...
mga damdaming nais ipadama...
ngunit sa luha na lamang mailalabas,
dahil ang hinagpis kelan man di
mawawala!

hay....

habang buhay na lang ihihikab...
mga galit na nais ilabas...
kung sa pagtulog hindi pagbibigyan..
mag-iisip na lang ng magdamagan....

Takip Silim

Sabay-sabay na nag-iingay,

Mga dagundong na nais ng talikuran.

Kahapon na siyang lumikha,

Sa mga sakit na sa puso'y gumagambala.



Ilaw na kasera,

Hanggang kelan magtitiyaga?

Liwanag ba'y susuko na,

Sa dilim ng luhasaung mga mata?



Ngiti, kelan nga ba lilitaw?

Sa mata'y salamin ang kaluluwang naliligaw.

Mga salita na sana'y pag-asa,

tinabunan na ng lupa na inagos ng baha.



Susuko ka na ba at magsasawalang bahala,

Sa mga pangyayaring nagbibigay dusa?

Sagutin mo,

Hanggang kailan ka nga ba tatayo?

Ang Katotohanan

Humuhuni mga insekto,

Sa tahimik ng kuwarto.

Ang hangi'y mapayapa,

Ngunit ang langit ano nga bang itinatago?



Ang bahaghariba'y magnining-ning,

O ang dilim ng bagyo'y siya paring mamumutawi?

Sa likod ng maskarang bakal,

Mukha ba'y matatanglaw?



Katotohanan,

Kelan ba mailalantad?

Ibubulong na lang ba sa mga bingi ang panaghoy?

O gagawa ng paraan upang boses ay marinigan?



Hanggang kelan aasa sa nakaraan?

ngayong alam mo na ikaw ay nasasaktan?

duguan kang gagapang sa may dalampasigan,

makamit lang ang langit na hinahangad!

Para Sa'yo, Kaibigan ko

Sampung mga daliri,

Sampung mga kuko,

Eto ang kamay ko,

Handang umagapay sayo.



Matang lumuluha,

papahiran ko ng saya.

Kung sa ngayo'y ikaw ay nagdurusa,

Bukas, masasambit mo, "MAGANDA ANG UMAGA".



Tumigil man sa pag-ikot,

Relos mong umuugong,

Pag-agapay ko's sayo'y totoo

At kelan man hindi magbabago!



Kaibigan, andito lang ako.

Nagtatago sa anino ng buhay mong magulo.

Lingunin mo lang at ika'y di' mabibigo.

Mahal kita at kelan man hindi ko malilimot!

Paalam na

Araw-araw pumapatak ang mga luha,

Lungkot na nasa puso'y nagwawala.

Naghihingalo na ang pagkatao,sa dulot ng mga taong sumusumpa sa alon.

Humikbi, umungol, kaluluwa'y ngayo'y nasa sigalot.



Lahat ng bundok ay aking kinalbo,

Lahat ng puno'y akin ng naputol.

Ngunit ni isang huwad na pasasalamat,

Sa sinungaling na labi'y hindi man lang narinnigan.



Masya dahil sila'y nagsama-sama,

Hakbang ng aking mga paa'y kanila ng binura.

Hinagpis na sa kanila'y ibinulalat,

Ngayo'y tampuhan ng ngiti sa kanilang mga mata.



Salamat na lang mga tinuring kong kaibigan,

Naipakita niyo kung sinong mapagkakatiwalaan.

Taon man ang sinayang, makita lang ang katotohanan,

Ayos na rin dahil ngayo'y mga bagay akin ng naulanigan.



Mabuti pa ang aso,kakagat kapag nasasaktan ang amo.

Ang araw kahit minsan lang sa mga taon ay humahalik sa buwan.

Mga daliri'y hindi nagtatampo kapag ginugupitan ng kuko,

At ang anino, kahit hindi nililingon,hindi tumatalikod.

Pag-ibig sa Babae

Rosas na kulay pula,
Pitasin sana ng may saya.
Tanggalin ang mga tinik,
Ibalot sa papel na malamig.

Huwag mong ibabagsak,
Huwag mo ring puputulin.
Panatilihin ang ganda,
Alagaan ang bango na noon pa ma'y nasa kanya.

Titigan mo hanggang nais mo,
Halikan petales niyang totoo.
Purihin likas niyang katatagan,
Ngunit huwag hayaang ulan sa kanya'y yumakap.

Darating ang araw siya'y manunuyot.
Pagka-ipit sa libro'y huwag sanang ipagyayamot.
Hayaan mo lang siyang maidlip,
Sa bahay na siya niyang nilalangit.

Patawad

Pagiging matatag, hindi nagawa.

Dumulas sa pagkakapit,sumubsob sa may putik.

Lumuha ng sobra,nawala sa sarili.

Nawindang sa mga pangyayari, ngayo'y nagsisisi.



Nawala ng hindi ninanais,

Hinagpis ngayo'y bitbit.

Patawad ang siyang nais isambit,

Yakap at halik iyo sanang makamit.



Payapang mundo na naipagkait,

Sa dasal sana'y maiidlip.

Ibaon sa limot ang nakaraan,

Ngunit kelan ma'y ala-ala mo'y hindi maiwawaglit...

untitled

Gusto kitang makausap,

Hagkan ng mahigpit at halikan.

Sandaling ibalik ang nakaraan,

Pahiran ng pagmamahal mga galit na nararamdaman.



Mga tanong na nais ibato,

Masasagot kaya ng walang halong biro?

Kung sakaling makikiusap ng matino,

Pagbibigyan ba sa nais kong ito?



Lumapit ka sana...

Ako ay malugod na tatango.

Mabigo man ako,

Ayos lang dahil tapos na ito.



Nais ko nang tuldukan...

Ano mang napagtagpo...

Nais ko nang wakasan...

Bangungot na sinimulan mo!

for my fropg prince

Kada segundo, ika'y naaalala,

Mga ngiti mo'y hindi magawang mabura.

Bawat saglit ika'y dumadampi,

Sa isip kong sabik sa iyong mga labi...



Wala ka na,

Ika'y lumisan na.

Naiwan akong tulala at mag-isa....

Haharapin mga bukas ng mag-isa.



Naisin ko man na ika'y bumalik,

Hindi maari dahil sakit lamang ang makakamit.

Katangahan pa kung ika'y muling patutuluyin,

Sa puso kong minsan mo ng iwinaglit.



Kakalimutan kita at buburahin,

Buhay ko'y dapat ng muling dumaloy.

Paalam na sa dati kong pagkakamali,

Paalam na sayo na nagdulot ng kasuklaman sa aking sarili.



Sapat na ang minsan mo ako'y napabaliw,

Sapat na ang mga luhang dumaloy sa aking dibdib.

Ngayo'y ako'y babangon....

At di na muling mundo ko'y magdidilim...

Sa Muling Pagbangon

Paa'y napakabigat,

Mga Kamay ayaw humampas.

Hininga'y tumatangis,

Tibok ng puso'y ayaw pang tumigil.



Mga bitui'y patuloy sa pagkislap,

Habang ang dilim ay bumabalot sa kalangitan.

Alikabok ay sumasaboy,

Sa daan na paligoy-ligoy.



Yakap ng irog siyang napagyayamot,

Itigil ng pag-iilusyon...

Gumising sa pangarap ng mundong magulo,

Umiyak at tumawa sa magandang simula.



Idikit ang mukha sa salamin na dukha,

Gayahin ang kilos ng nais na usok.

Panindigan gawaing siyang isinamo.

Hayaang pakpak ay lumipad ng maluwag.

Nararapat na Gawin

Alaala mo siyang aking itatabi,

Sa diwa ng puso kong sawi.

Masakit mang tanggapin na hindi nagwagi,

Pag-ibig na dati'y sisidlan ng ngiti



Hindi maaaring ipilit,

Huwad na lang kung siya pang tatanggapin.

Huminto na ang ikot ng mundo,

Tumigil na ang pagtangis ko.



Tapos na, nawala na.

Pagbadya ng luha ay tigilan na,

Pagtangis sa nagdaay hayaan na,

Salubungin na lang ang araw ng may bagong sigla.

Mga Katanungan

Masaya ako, nakangiti ako,

Ngunit ito nga bang totoo?

Pintig ng puso'y lumalaban,

Hanggang kelan nga ba makikipagbuno?



Nangangapa sa dilim,

Napapatid sa mga ding-ding.

Patuloy pa ba akong magpapanggap,

Maskara'y kelan mawawasak?



Dugo ng kahapon kelan mapupunasan?

Anino ng dilim kelan ba matatakasan?

Haharapin ko ba at siya'y titiklop?

Salita ng puso'y dapat bang hayaan sa sigalot?



Ilista sa tubig siya na bang sapat,

Upang kasarinla'y muling makamtan?

Magulo ang mundo,

Malabo ang takbo.



Pagtupad sa pagbuka ng punla,

Siya nga bang magiging sagot?

Titigil na ba ang mga luha,

Sa pagtatampo sa kanyang espirito?

Sunday, April 15, 2012

Panalangin

Sa Amang lumikha,

Ako'y nagsusumamo.

Pagbadya ng araw siya sanang pahintulutan mo.

Basbasan ng tubig sarili kong dungis,

Paggabay at pagkalinga huwag mo sanang ipagkait.

Sa mga landas na akin ng dating tinahak,

Kapatawaran ang siyang nais kong iluhod.

Pagsisisi sa kamalian siyang aking sambit,

Yakap na mapagunawa Iyo nawang ipamahagi.

Salamat sa mga biyaya,

Sa bulaklak na lagi mong sinisibol.

Sa hangin na inihihinga ko,

Sa pagkain na pumupuno sa katauhan ko.

Ikaw ang Diyos na totoo,

Pader na tahanan na siya ring kaharian mo.

Papuri ang sayo'y nararapat,

Korona ng sangkatauhan iyong dapat panghawakan!

Just a Request

Teach me how to be strong,

Tell me how to move on.

Let me realize tha I am alone,

Allow me to cruise my world on my own.



Let me shelter my ownself,

Give myself a little respect.

Give me the courage to forget you,

Share me the passion of loosing you.

Hayst

All I wanted is for you to tell me why. I don't need alibis, all I wanna hear is why you'd collapsed...after all the promises and cursing, how does it really come to an end? Thus the love you'd shared is really love, or it ius just a petty feeling you forcedly named love? Explain, elaborate...don't make a fool out of me again. All I need is to know what really happened...after all, i know I have the right to know...

SSsssHHhh

It's cold and I am numb.

The rain keeps pouring and am depressing,

I miss my life,

I miss being loved.

A man by my side,

A man that can be hugged.

Time had passed but memories wont fade,

The routines of seeing you,

Now turned the burden of hating you.









Is't right for me to feel this way?

Ceasing my breathe to feel you tight?

Manipulating my dreams to be with your sight?



Am damn...am fool!

Fight of Thoughts

Heaven,

Is't for real?

Hell,

Is't really burning?



To do good,

Am I fulfilled?

Poisoning my blood,

Would it content me?



Confusing...

Ambiguous...



Circle or pork?

Which fashion statement could match me?

White or black,

Which are really clear to my eyes?

Hustisya sa Bayan KO

Namumuhay sa mundo,

Nakataob ang sikmura sa gulo.

Mga mata'y dilat sa kawalan,

Sabog ang sistema ng katauhan.



Walang nakaririnig sa ungol ng aba,

Madilim ang paligid sa tinubuang lupa.

Liwanag na sana'y sa lahat sisilay,

Masaklap man, ngunit sa ginto lamang sumisikat.



Tagtuyot...

Kamatayan sa mga totoo.

Dumaing...

Walang didinig.



Tama na,

Suko na!

Hugutin ng mga sakit,

Wakasan ng hinagpis!

Vices

I love my body,

I care for my soul.

A single drop from the stream,

A viper would do me ill.



Light from above,

Blush into the ground.

Thinking for the future,

The heart entales the cue.



Am i trapped or am I dumb?

To stay or to escape?

Cry beneath the sky,

to bury myself alive.

Because this is how it goes...

I hate P cause it doesn't do me good,

I hate I cause it melts my heart.

I hate R cause it turns me down,

I hare E cause it mocks me a lot,

And I hate M cause it's unclear to everyone.



On the otherhand...



I love P cause it made me strong,

I love I cause it makes me alive!

I love R cause it's the mirror of my soul,

I love E cause it makes me laugh.



Finally...



I love M cause it is part of the 5!

Sistema

Kalyeng maiingay,

Posteng makukulay.

Botoha'y pasapit sa aming bayan,

Kaya't si Pedro'y tumutulay sa bahay-bahay.



Nangangakong serbisyo'y totoo,

Iluklok mo'y magiging kakampi mo.

Talsik laway sa pagkanta,

Ututang dila'y umepekto sa mga ugok na makakata!



Ngayo'y Pedro nga ay nanalo,

Kababuyan inihandog sa bayan ko!

Yinurakan yaong makasaysayang lupain,

Binutas dating bulsang kumikilansing.



Kawawang nayon ko,

Ngayo'y nginungudngod ng hayop na Pedro!

Nasaan na mga tinaga ni Pedro sa bato?

Naglahong parang bula ng siya na'y nasa trono.

Destined

Life is unfair,

Life is unjust,

Don't know were to start,

Don't know how to stand.



It's hard to move,

The air is suffocating me,

I need warm...

I need care...



But now I am alone,

Alone in the dark, stepping my past.

It's not easy to forgive,

It's a lot harder to forget.

Malabo Talaga

May ipis, may bangaw,

May uod, may daga,

Palaboy nagsusumamo,

Palimos ng awa niyo.



Squatter, walang lupa.

Kidnapper, agaw bata.

Taghirap sa mundo,

Damay-damay lahat ng tao.



Kakain ka, itatae mo,

Iinom ka, isuuka mo.

Anung silbi ng prinsipyo?

Anung silbi ng pagkatao?



Isisinilang,

Ililibing,

Katapusan din sasapitin.

Bilog ba pag-ikot ng mundo?...Kaya siguro natotopak ako!

Senyales

Maaari ba akong magtanong,

Sa radyong walang senyales ng pagkatino?

Kung sakaling ako'y bubulong,

Aayos bang radar at ako'y masasagot?



Kulang lang ba sa kalampag?

O buhay talaga'y malapit ng magwakas?

Kelan ba mamamahinga,

Kelan ba magpapaubaya?



Ngayon isip ay gulong-gulo,

Ingay lamang ang siyang tumatakbo.

Hampas ng hangi'y siya pang mainam,

Kaysa ulangingawang kaluskos ng kalabuan.

Crazy me

stupid acts...

senseless moves...

looking above the sky,

holding the gun at my hand...



could I end this life?

or should i stay and suffer more a lot?

push the trigger...

and the bang....



but no...

is this what really must be?

escape the cries...

cover the old strength with fears???

Bubble

like a bubble,

easy to be blown...

going with the air...

following the flow...



forever shall it be...

ignoring the creatures around me...

transparent as i may look...

luminating colors cut the edges of me...



easy to puff,

along shall i go...

forget the water and the round,

coz' millions will also set their grounds...

BBQ Fever

when the time is right...

and the sun is bright...

it's nice to go out...

and do some hang-outs...



if the budget is tight...

it's time to smell like junk...

sit near the smoke...

smell the pig that roasts...



simple chats,

lots of smiles...

ready that toothpick...

later you'll be needing it...

Bagong Langit

aking nasilayan,

akin ng nayakap,

asul na mga ulap,

mga ibong malaya sa paglipad.



kulog at kidlat ay napawi na,

maaliwalas yaring kalawakan.

matayog araw sa kanyang pagsikat,

payapa gabing nakahimbing sa lupa.

Buhay Lamok

May lamok, may lamok...

Umuungol sa tenga ko.

Umiikot, bumibilog,

Binubulabog ang gabi ko.



Hinampas,

Nakawala,

Sumawsaw, nagtampisaw

Sa balat ng katabi ko.



Sumipsip,

Nilagok,

Nadighay, nabusog

Sa dugo ng tao.



Nangati, nagpantal,

Pumula, nagbukol,

Naospital,

Gumastos

Down

Once in a blue moon,

Beneath the urges of the keys...

Tap the wooden door,

Slowly open the doom...



Darkness...

Empty and silent...

The sigh...

Then blinded...



Trying to escape...

Crippled fingers to the air...

Unaware...

Then bounces to the wall...



Stop...stop...

Psycho...toxicity...

Pains of the needles...

Prisoned to the forest...

Gripo

Walang hugis,
Walang Mukha...
Malayang umaalon,
Walang pasubaling na tumutulo...

Malambing ang tinig,
Dahan-dahan sa pagtangis...
Unti-unti...
Mahinahong pinupuno...

Makinis...
Walang bahid ng dumi...
Dalisay ang pag-aari...
Maliwanag yaong adhikain.

Para sa Isang Makata

sa hindi sinasadyang panahon...

sa hindi pinlanong pagkakataon...

isang kagalakan na ako'y naligaw...

sa pahina na puno ng buhay!



mga titik ay kanyang binigyan buhay...

mga saloobin na hinayaang lumipad...

puno ng damdamin...puno ng puso,

katotohanan lamang siyang pinapamutawi nito.



isa sa isang milyon mga taong kagaya mo,

totoo,walang halong biro.

handang maglayag,

walang batas na inaamo....



sagrado yaring mga gawa mo...

nawa'y patuloy pa ito sa pagsibol...

ipagpatuloy yaring mga akda,

pagka't ito'y ginto sa aking gunita!

Para Kay Dati...harhar

Katulad ng plaka ni itay,
Kalenggwahe ng sermon ni inay...
Bawat ktgang iyong sinasambit,
Lumang tugtugin sa aking pandinig.

Wala na bang bago?
Hindi k n nkasunod sa uso.
Baguhin mo na estilo mo,
Gasgas at masakit na sa ulo!

Tama ng pambobola...
Magpaka-totoo ka!
Itigil na ang pagdada.
Tantanan ng panloloko!

Karma...karma,
Wala n bang iba?
Lagi ka na lang paawa,
Hindi ka b nagsasawa?

Direksyon

Pinagmamasdan bawat dumadaan...
Tinatanaw mga sasakyan.
Sinisilip yaring daanan,
Tinatansya bawat hakbang.

Tama bang tumawid...
Manghimasok sa ibang lilim?
Makipgpatentero sa bawat bus,
Makisabay sa gulo ng trapiko...

Mausok, madumi,
Dapat ko bang suungin?
Isusugal nawang buhay...
Piliting abutin siyang kaduluhan.

Magdalena

Kada dapit-hapon,

Mata niya'y nanlulumo...

Nag-iisa sa buhay na masaklap,

Tahimik na nagdaramdam sa lupa.



Nakapanlulumo nawang kanyang anyo,

Pagkat pagdurusa'y ngumungudngod sa kanyang pagkatao.



Walang maaaring ibang gawin kundi magtiis,

Pagkat ang mundo'y sa kanya'y nandidiri...



Bawat araw ay walang pinag-iiba,

Patuloy pa rin siya'y nag-aabang sa may eskinita.

Sinusubukang ngumiti at gumalak,

Pagtatakip sa gawaing sa kaluluwa niya's dumudungis.



Kahit anong daing,

Walang makakaintindi,

Pananaw ng lahat, mapanghusga at mababa,

Madumi at salot sa bawat pamilya.

Sampong Taon Mula Ngayon

Lumilipad sa kalawakan,

Sumusisid sa dalampasigan.

Naglalaro sa kalangitan,

Tahimik sa pagtupad.



Taon nawa'y nakaraan,

Sapat at matatag.

Tumatayog yaring dangal,

Sinasaludo ng mga nilalang.



Bigkis yari'y nakapulupot,

Sa mga anghel na siyang bago.

Karay-karay nawang dugo,

Inaalalay patungong bahay na bato.

Dididit...didit...didit

Isang gabi na puno ng galak,

Nauwi sa hinagpis at pagkawarak.

Dating anyong aking tinatangis,

Ngayo'y kinasusuklaman sa pagka dungis.



Hindi yaring mapagtanto,

Pagtayo sa pagkakaupo.

Nais ko lamang sana'y maibadya,

Iyong gawain na siyang lumamat.



Galit, poot, pagkaawa...

Anong nararapat na ihalo?

Dati rati ako'y taos pusong umaasam,

Ngayong araw ako'y lubusang nagdaramdam.



Sumusumpa kay Bathala,

Tumatalikod sa aking lupa.

Bakit ganun yaring kinahinatnan?

Bakit 'di nila maintindihan?

isang gabi

magulo, malabo

hindi ako masaya...hindi ako malungkot

gusto kong umiyak,

ngunit luha'y ayaw dumaloy.

humahalakhak,magtatalon sa tuwa,

kailan ba ako makukuntento?

ano nga bang kulang?

ano nga bang mas matimbang?

pera o pagmamahal?

kayamanan o buhay ng nilalang?

ang hirap kumilos...ang sakit huminga...

talaga yatang maliit ang mundo,

nakatingin bawat tao...

nagaasam na pumalpak ka kahit paano.

awa o pagaproba,

ano nga bang mas masaya?

komportable...

droga o pananampalataya?

sino bang sasalo kung sakaling malito?

mali...

hindi pala malito...

kung tuluyang mabuwang ang pagkatao?

sino nga bang kakapitan,

kung ang lahat ay nagsisipag-bitawan?

Condom

Project request by a former classmate

English:


If you decide to do the thing,
Don't forget to put thy rubbie.
Safety first before the rest,
Don't think twice or you'll have to face that tummy.

Health is wealth even with sex,
Relax...inhale, wear that consciously!
Using condom will cost you tiny,
But forgetting it will forsake your flying.

Tagalog:

Kung sakaling ika'y tatayo,
Wag ilimot nawang saplot.
Lagi yaring biglang pansin,
Siyang magbibigay nng taimting pagpigil.

Seguridad nawa'y maging una,
Dahil kalusuga'y siyang mahalaga.
Buhay yaring maaring umusbong,
Mappigilan kung ika'y magsusuot.

Dalawang Hibla

Dalawang tula,

Pormal na kasulatan.

Mga pahina ng libro,

Kulay berdeng tanda ng stabillo.



Ang daming ideya,

Kulang sa oras.

Tik-tak...tik-tak...

Hahabol ba hanggang dulo?



Nakakapagod,

Nakakagulo ng mundo.

Gusto ko ng huminto,

Ngunit ayaw pa ring magpapreno...



Hingal na hingal...

Gimbal na gimbal...

Pipikit na ba at susuko?

Hihimbing o siyang magpapagawi?

Gobyerno ko!

Tuyot na lalamunan,
Hindi maintindihang nararamdaman...
Nagaantay ng kasagutan,
Buwan ng dinaramdam.

Mataas at mababa,
May prinsipyong dinuduyan.
Tama bang mag-antay,
O magparaya alang sa bayan?

Totoo bang pagmamahal yaring liyad?
O sadyang nalinlang ng dating dumaan?
Sa paghangos ngayon nang hangad,
Pagkakataong nasa reyalidad dapat bang takpan?

Umuusad...humahakbang...
Tatalima ba sa boses ng kapangyarihan?
Katahimikan...kapayapaan...
Kailan ba sisikatan?

ASA

naririnig bawat tiktik,

nadarama halik ng hangin.

dilat padin kahit nakaidlip,

ulirat nawa'y patuloy sa pagpintig...



nagaantay...ngaantay,

nag-aasam na sana'y magparamdam...

isang titik na siyang susukat,

pangungusap siyang maglalahad.



sawa na akong masabik,

ngunit patuloy pa din sa pagsambit.

ikaw...ikaw at ikaw...

kailan mo nga ba mawawari?

Mabuting Pagkain, Mabuting Buhay

Hindi pa rin sapat mga araw na nailagak,
Upang mapatunayan katayuan na siyang magpapagalak.
Panis na ang mga buwan at unti-unting naaagnas,
Kimkiming saloobi’y wala pa ring tumatanaw.

Inis, galit at pagkalinlang!
Ibibilang di umano sa tumpok, ngunit totoo’y hinahawi pa rin at hindi pinapasamo.
Bakit ako andito? Paano nga ba ang alon sa dagat na ito?
Mag-isa at walang kapararakan, naliligaw at naiiba sa bingwit ng tanan.

Na sa may sulok, tahimik lamang at nakatutok.
Hikab, hinagpis at silagbot…Sabay-sabay, buntong hininga mula sa kailaliman ng pagkatao.
Ano ba ang narararapat na gawin?
Ano ba ang gawi upang makalaya sa lambat ng kapirpirwan?