Wednesday, November 14, 2012

Twisted @ Bahrain

Walang ulan,buhangin lang. Tubig panligo daig pang pinakulo. Kapag malamig naman ubod pamatay ngunit nyebe'y walang pag-asang mabuhay. Meron ditong tindang baboy pero di kami magkatagpo...Ginto kasi ang presyo. Manok,manok at manok na lang ng walang hanggan dahil sa seafood maski mura iwas ang lola mo. Coke kapag pagod sabay puff ng Marlboro. Walang pulang kabayo,smb o kung ano mang panghilo...tulad kasi ng baboy, mapapa-'Diyos ko po!' ka sa taas ng presyo. Nuod na lang ng balita at teleserye sa TFC tapos tulog,bangon,kain at pasok. Parehong rutina araw-araw,kayod kalabaw para mabuhay. Ang dating prinsesang gimikera ngayo'y inday badiday na. Ganito na ang buhay ko simula ng umalis ako ng Pinas...mahirap pero di ako nagsisisi dahil natututo na akong mabuhay sa totoong mundo na hindi lang puro sarap at kalinga ng magulang. Matagal-tagal pa ang bubunuin ko dito sa bansa ng mababaho,ngunit kakayanin ko...dahil alam ko, dinala ako ng Diyos dito para sa maganda niyang plano sa buhay ko.

No comments:

Post a Comment