Tuesday, April 17, 2012

Ang Katotohanan

Humuhuni mga insekto,

Sa tahimik ng kuwarto.

Ang hangi'y mapayapa,

Ngunit ang langit ano nga bang itinatago?



Ang bahaghariba'y magnining-ning,

O ang dilim ng bagyo'y siya paring mamumutawi?

Sa likod ng maskarang bakal,

Mukha ba'y matatanglaw?



Katotohanan,

Kelan ba mailalantad?

Ibubulong na lang ba sa mga bingi ang panaghoy?

O gagawa ng paraan upang boses ay marinigan?



Hanggang kelan aasa sa nakaraan?

ngayong alam mo na ikaw ay nasasaktan?

duguan kang gagapang sa may dalampasigan,

makamit lang ang langit na hinahangad!

No comments:

Post a Comment