Tuesday, April 17, 2012

Para Sa'yo, Kaibigan ko

Sampung mga daliri,

Sampung mga kuko,

Eto ang kamay ko,

Handang umagapay sayo.



Matang lumuluha,

papahiran ko ng saya.

Kung sa ngayo'y ikaw ay nagdurusa,

Bukas, masasambit mo, "MAGANDA ANG UMAGA".



Tumigil man sa pag-ikot,

Relos mong umuugong,

Pag-agapay ko's sayo'y totoo

At kelan man hindi magbabago!



Kaibigan, andito lang ako.

Nagtatago sa anino ng buhay mong magulo.

Lingunin mo lang at ika'y di' mabibigo.

Mahal kita at kelan man hindi ko malilimot!

No comments:

Post a Comment