Tuesday, April 17, 2012

Idlip

kada pikit ng mga mata...
may mga nilalang na gumagambala....
ayaw patahimikin....
kaluluwang naliligalig....

gusto ko lang magpahinga...
humimbing ng mapayapa...
ngunit may pilit na kumakatok...
nagiingay sa may pinto...

mga kaluskos na hindi mapaliwanag...
mga damdaming nais ipadama...
ngunit sa luha na lamang mailalabas,
dahil ang hinagpis kelan man di
mawawala!

hay....

habang buhay na lang ihihikab...
mga galit na nais ilabas...
kung sa pagtulog hindi pagbibigyan..
mag-iisip na lang ng magdamagan....

No comments:

Post a Comment