Tuesday, April 17, 2012

Takip Silim

Sabay-sabay na nag-iingay,

Mga dagundong na nais ng talikuran.

Kahapon na siyang lumikha,

Sa mga sakit na sa puso'y gumagambala.



Ilaw na kasera,

Hanggang kelan magtitiyaga?

Liwanag ba'y susuko na,

Sa dilim ng luhasaung mga mata?



Ngiti, kelan nga ba lilitaw?

Sa mata'y salamin ang kaluluwang naliligaw.

Mga salita na sana'y pag-asa,

tinabunan na ng lupa na inagos ng baha.



Susuko ka na ba at magsasawalang bahala,

Sa mga pangyayaring nagbibigay dusa?

Sagutin mo,

Hanggang kailan ka nga ba tatayo?

No comments:

Post a Comment