Kada dapit-hapon,
Mata niya'y nanlulumo...
Nag-iisa sa buhay na masaklap,
Tahimik na nagdaramdam sa lupa.
Nakapanlulumo nawang kanyang anyo,
Pagkat pagdurusa'y ngumungudngod sa kanyang pagkatao.
Walang maaaring ibang gawin kundi magtiis,
Pagkat ang mundo'y sa kanya'y nandidiri...
Bawat araw ay walang pinag-iiba,
Patuloy pa rin siya'y nag-aabang sa may eskinita.
Sinusubukang ngumiti at gumalak,
Pagtatakip sa gawaing sa kaluluwa niya's dumudungis.
Kahit anong daing,
Walang makakaintindi,
Pananaw ng lahat, mapanghusga at mababa,
Madumi at salot sa bawat pamilya.
No comments:
Post a Comment