Namumuhay sa mundo,
Nakataob ang sikmura sa gulo.
Mga mata'y dilat sa kawalan,
Sabog ang sistema ng katauhan.
Walang nakaririnig sa ungol ng aba,
Madilim ang paligid sa tinubuang lupa.
Liwanag na sana'y sa lahat sisilay,
Masaklap man, ngunit sa ginto lamang sumisikat.
Tagtuyot...
Kamatayan sa mga totoo.
Dumaing...
Walang didinig.
Tama na,
Suko na!
Hugutin ng mga sakit,
Wakasan ng hinagpis!
No comments:
Post a Comment