Tuesday, April 17, 2012

Paalam na

Araw-araw pumapatak ang mga luha,

Lungkot na nasa puso'y nagwawala.

Naghihingalo na ang pagkatao,sa dulot ng mga taong sumusumpa sa alon.

Humikbi, umungol, kaluluwa'y ngayo'y nasa sigalot.



Lahat ng bundok ay aking kinalbo,

Lahat ng puno'y akin ng naputol.

Ngunit ni isang huwad na pasasalamat,

Sa sinungaling na labi'y hindi man lang narinnigan.



Masya dahil sila'y nagsama-sama,

Hakbang ng aking mga paa'y kanila ng binura.

Hinagpis na sa kanila'y ibinulalat,

Ngayo'y tampuhan ng ngiti sa kanilang mga mata.



Salamat na lang mga tinuring kong kaibigan,

Naipakita niyo kung sinong mapagkakatiwalaan.

Taon man ang sinayang, makita lang ang katotohanan,

Ayos na rin dahil ngayo'y mga bagay akin ng naulanigan.



Mabuti pa ang aso,kakagat kapag nasasaktan ang amo.

Ang araw kahit minsan lang sa mga taon ay humahalik sa buwan.

Mga daliri'y hindi nagtatampo kapag ginugupitan ng kuko,

At ang anino, kahit hindi nililingon,hindi tumatalikod.

No comments:

Post a Comment